Biyernes, Enero 30, 2015

Repleksyon # 2

Repleksyon ko para sa linggong ito :
                   Ngayong linggong ito , umikot ang aming talakayan sa nobelang " Noli Me Tangere " . Tinalakay namin ang mga tauhan sa nobela . At kung sino ang kumakatawan sa tauhan sa loob ng akda sa buhay ni Rizal . Halimbawa na lamang si Leonor Rivera , si Leonor ay isang dalagang pilipina na mahinhin at may taglay na ganda . Si Maria Clara at Leonor ay parehas sila ng mga katangian . At parehas din silang pinilit na magpakasal sa ibang lalaki . Maging si Crisostomo Ibarra at Rizal ay may pagkaka-parehas . Silang dalawa ay parehas ng mga mithiin . Mithiin na makalaya ang bayan mula sa pang-aapi ng mga prayle . Dahil katulad ni Rizal inapi ni Padre Amado ang pamilya niya at maging ang mga kababayan niyang magsasaka . Gaya ni Rizal inapi rin si Ibarra ni Padre Damaso sa pamamagitan ng paglalapastanganan sa kanyang ama , kahit na ito’y namatay na .
          Kung kaya’t ngayong linggong ito , puro mga tauhan an gaming tinalakay .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento