Huwebes, Enero 15, 2015

Bakasyon ko nung Pasko :)

Repleksyon ko nung bakasyon ko nung Pasko …
      Nung araw na iyon nakaramdam ako ng saya , sayang  hindi ko maipaliwanag . Simula sa aking paggising , naghahanda na kami ng aking pamilya para sa pagsisimba . Sabay-sabay kaming nagtungo sa simbahan . At sabay kaming nagdasal . At sa aking pagdadasal , binati ko sa Jesus sa kanyang kaarawan . Matapos ang misa . Sinamahan ko ang aking kapatid sa kanyang pamamasko sa kanyang mga ninong at ninang . Ilang oras ang lumipas , na dumating na ang buwan . Abala kaming lahat  sa pagluluto ng aming magiging noche buena . Ang lahat ay abala at kaliwa’t kanan ang mga batang namamasko sa mga bahay-bahay . Nang sumapit na nag alas-dose ng gabi . Sabay-sabay naming ipinagdiriwang ang pasko . Kasama ko ang pamilya at ilang kamag-anak sa pagdiriwang nito . Matapos ang kasiyahan , sabay-sabay kaming  kumuha ng litrato .




     


     Kasama ang aking pamilya at ibang mga kamag-anak . Ganito namin ipinagdiriwang ang aming pasko . 

1 komento:

  1. Maging partikular tayo sa paggamit ng mga bantas at bigyang pansin ang pagbuo ng mga pangungusap. Natuwa ako't naglalagay ka ng mga larawan. :)

    TumugonBurahin