Biyernes, Enero 9, 2015

Repleksyon sa Filipino ...

              Ngayong liggong ito , tinalakay namin ang Sanaysay at ang mga elemento nito . Nasa ibaba ang kahulugan ng sanaysay at ang mga elemento nito .
Sanaysay
       Ang sanaysay ay mula sa pariralang salaysay ng isang sanay . Ito ay ayon kay Alejandro Abadilla . Napakaloob sa sanaysay ang kuro-kuro , damdamin at guni-guni ng manunulat tungkol sa isang napapanahong isyu . At sa pagbuo o paggawa ng isang sanaysay dapat maypamaksang pangungusap at may pantulong na pangungusap . Upang maging maliwanag at maayos ang iyong sanaysay . Narito ang tatlong elemento ng sanaysay :
Elemento ng sanaysay
1.) PAKSA -  May nilalayon at sentro ng ideya ng buong akda.Nakapaloob din ang saloobin ng may akda sa paksa.
2.) TONO -  Maaring ang himig ay natutuwa,nasisiyahan,nagagalit,sarkastiko,naiinis,nahihiya at iba pa.
3.) KAISIPAN -  Kailangan may mensaheng ipaparating sa mga mambabasa.Ang kaisipan ng akda ay hindi tuwirang binabanggitkundi ginagamitan ng pahiwatig para mailahad ito.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento