Karanasan ko bilang Estudyante
Bilang isang
estudyante ng baitang 9 pangkat Antimony . Marami na akong naging karanasan sa
buong taong ito . Marami na akong mga napag-daanang problema , mga pangyayaring
nakakapag-pasaya sa akin at syempre mga pangyayaring nakakapag-palungkot sa
akin .
Kung baga ang buhay ko bilang
isang estudyante ay parang pabago-bagong panahon . May mga panahong maaliwalas
at maaraw . Ang araw na nagmimistulang kasiyahang sumisikat sa aking mukha .
Kasiyahang dala ng aking mga kaibigan , kaklase , at maging guro . Ngunit sa
kabila ng maaliwalas at maaraw na panahon na iyon . Sa isang iglap maaari itong
magbago. May mga pagkakataong malilim at hinahagupit ng mga malalakas na ulan .
Na maihahalintulad ko sa mga walang tigil na pagbuhos ng mga pagsusulit ,
walang tigil na pag-ulan ng mga proyekto at takdang – aralin . At pagbaha sa
atin ng mga leksyon na dapat nating aralin at intindihin . Ang lahat ng ito ay
naranasan ko na sa loob ng isang taon ko sa paaralan .
Pero sa kabila ng mga pangyayaring napakahirap nating lampasan . Hindi
pa rin maaalis ang ngiti sa aking mukha . Patunay lamang na kahit gaano kalakas
ang bagyo titila din ito at darating din si haring araw . Araw na magbibigay sa
akin ng pag-asa na malampasan ko ang lahat ng mga pagsubok sa loob ng
silid-aralan .
K to 12
Ang programang k to 12 na inaprobahan ng
gobyerno ay isang programa na tumatalakay sa edukasyon ng mga mag-aaral . Kung
saan ang hayskul ay may 4 na taon na gugulin para sa kanilang pag-aaral . Ngayon ang lahat ay nagbago na ,
dahil ang hayskul ay nahati na sa dalawang bahagi . Ang junior highschool at
ang senior highschool . Sa kabuuan 6 na taon na ang gugulin ng mga estudyante
para sa kanilang pag-aaral .
Kung ang ilan ay tumututol sa
programang ito dahil sa iba’t-ibang dahilan . Ako bilang isang estudyante na
unang makakaranas ng programang ito . Para sa akin magiging maganda ang
kalalabasan nito . Dahil ang programang k to 12 ay maaaring mabago ang lebel ng
edukasyon ng ating bansa . Dagdag pa dito ay magkakaroon din tayo ng mga
karagdagang kaalaman sa iba’t – ibang asignatura . At dahil din sa programang
ito maraming estudyante na ang makakahanap ng trabaho kahit hanggang hayskul
lang ang natapos nila . Alam kasi natin na maraming mga kabataan ang di na
makapag-aral o maipag-patuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo . Dahil sa iba’t-ibang
dahilan tulad ng kahirapan . Kung kaya’t kahit na di ka makatungtong
sa kolehiyo ay paniguradong may trabahong tatanggap sayo pagdating ng panahon .
Kung kaya’t ang programang ay huwag muna nating husgahan hangga’t di pa
natin nakikita ang resulta . Dahil para sa akin tiyak na magiging maganda ang
kalalabasan ng programang k to 12 .
Ang aking Guro
“ Ating guro ay pahalagahan sapagkat siya ang magbibigay daan sa atin
tungo sa magandang kinabukasan . “ Isa itong slogan , slogan na maikli lamang
ngunit mayroon namang malaking kahulugan .
Sa unang pagpasok natin sa loob
ng silid-aralan ay wala tayong gaanong kaalaman . Kung baga “ Blank Space “ ang utak natin . Pero
bakit ganun ? paglabas natin sa klasrum na ito ay nagkaroon tayo ng mga
panibagong kaalaman at bagay-bagay na ngayon lang natin natutunan . Parang na “
Shake it Off “ ang mga utak natin .
Utak na tuwang-tuwang dahil sa nagkaroon na siya ng napakaraming kaalaman .
Pero ang tanong , sino ba talaga ang nagbibigay kaalaman sa atin
araw-araw ? Walang iba kundi ang ating guro . Guro na walang sawang magturo . Kahit na nararamdaman na siya ay pagod
. Dahil para sa kanya handa niyang tiisin ang pagod para sa kanyang mga
estudyante . Isang guro na hindi lang pagtuturo ang kaya niyang
gawin kundi kaya din niya ang magmahal . Ang mahalin ang kanyang mga
estudyante dahil para sa kanya ay naging parte na rin kami sa buhay niya .
Isang guro na marunong tumawa at
magpatawa . Kung masyado na kasing tahimik ang klase ay magbibitiw siya ng
mga nakakatawang biro . Na ikasisiya naman ng lahat .At isang guro na kayang ibahagi ang “ diary ng buhay
niya “ . Ang kanyang pambihirang love story , kwento na tungkol sa kanyang
pamilya at marami pang iba . Bagay na nakaka-relate kaming lahat sa loob ng
klase . Hindi lang pala siya magaling magturo dahil isa rin pala siyang guro na magaling magpayo . Dahil minsan
kasi may mga oras na may natatalakay kaming mga bagay-bagay na kami ay
naguguluhan . At bibigyan naman kami ng aming guro ng alternatibong payo para
dito .
Ngunit sino ba ang tinutukoy kong guro ? Walang iba kundi ang Department
Chairman sa Filipino . Ang aming masiyahing guro sa Filipino . Nung unang
pasukan , nalaman ko na si ma’am pala ang department chairman sa asignaturang
Filipino . Kaya’t nakaramdam ako ng konting takot at kaba sa kanya . Mukha kasi
siyang masungit noon at parang ang tono ng kanyang pagsasalita ay parang
nagbibigay babala sa iyo . Ngunit ang lahat ng paniniwala ko tungkol sa kanya
ay biglang nagbago . Lumipas kasi ang ilang buwan , at doon ko na nakita ang totoong
si ma’am . Si ma’am na masiyahin at mabait sa kanyang mga estudyante . Isang
guro na may tinatago palang kabutihan sa kanyang puso at ito ay akin ng nakita .