Biyernes, Marso 20, 2015

Repleksyon # 8

Karanasan ko bilang Estudyante
                Bilang isang estudyante ng baitang 9 pangkat Antimony . Marami na akong naging karanasan sa buong taong ito . Marami na akong mga napag-daanang problema , mga pangyayaring nakakapag-pasaya sa akin at syempre mga pangyayaring nakakapag-palungkot sa akin .
                Kung baga ang buhay ko bilang isang estudyante ay parang pabago-bagong panahon . May mga panahong maaliwalas at maaraw . Ang araw na nagmimistulang kasiyahang sumisikat sa aking mukha . Kasiyahang dala ng aking mga kaibigan , kaklase , at maging guro . Ngunit sa kabila ng maaliwalas at maaraw na panahon na iyon . Sa isang iglap maaari itong magbago. May mga pagkakataong malilim at hinahagupit ng mga malalakas na ulan . Na maihahalintulad ko sa mga walang tigil na pagbuhos ng mga pagsusulit , walang tigil na pag-ulan ng mga proyekto at takdang – aralin . At pagbaha sa atin ng mga leksyon na dapat nating aralin at intindihin . Ang lahat ng ito ay naranasan ko na sa loob ng isang taon ko sa paaralan .
              Pero sa kabila ng mga pangyayaring napakahirap nating lampasan . Hindi pa rin maaalis ang ngiti sa aking mukha . Patunay lamang na kahit gaano kalakas ang bagyo titila din ito at darating din si haring araw . Araw na magbibigay sa akin ng pag-asa na malampasan ko ang lahat ng mga pagsubok sa loob ng silid-aralan .

K to 12
              Ang programang k to 12 na inaprobahan ng gobyerno ay isang programa na tumatalakay sa edukasyon ng mga mag-aaral . Kung saan ang hayskul ay may 4 na taon na gugulin para sa kanilang  pag-aaral . Ngayon ang lahat ay nagbago na , dahil ang hayskul ay nahati na sa dalawang bahagi . Ang junior highschool at ang senior highschool . Sa kabuuan 6 na taon na ang gugulin ng mga estudyante para sa kanilang pag-aaral .
            Kung ang ilan ay tumututol sa programang ito dahil sa iba’t-ibang dahilan . Ako bilang isang estudyante na unang makakaranas ng programang ito . Para sa akin magiging maganda ang kalalabasan nito . Dahil ang programang k to 12 ay maaaring mabago ang lebel ng edukasyon ng ating bansa . Dagdag pa dito ay magkakaroon din tayo ng mga karagdagang kaalaman sa iba’t – ibang asignatura . At dahil din sa programang ito maraming estudyante na ang makakahanap ng trabaho kahit hanggang hayskul lang ang natapos nila . Alam kasi natin na maraming mga kabataan ang di na makapag-aral o maipag-patuloy ang kanilang pag-aaral sa kolehiyo . Dahil sa iba’t-ibang dahilan tulad ng kahirapan . Kung kaya’t kahit na di ka makatungtong sa kolehiyo ay paniguradong may trabahong tatanggap sayo pagdating ng panahon .
           Kung kaya’t ang programang ay huwag muna nating husgahan hangga’t di pa natin nakikita ang resulta . Dahil para sa akin tiyak na magiging maganda ang kalalabasan ng programang k to 12 .

Ang aking Guro
                “ Ating guro ay pahalagahan sapagkat siya ang magbibigay daan sa atin tungo sa magandang kinabukasan . “  Isa itong slogan , slogan na maikli lamang ngunit mayroon namang malaking kahulugan .
                Sa unang pagpasok natin sa loob ng silid-aralan ay wala tayong gaanong kaalaman . Kung baga “ Blank Space “ ang utak natin . Pero bakit ganun ? paglabas natin sa klasrum na ito ay nagkaroon tayo ng mga panibagong kaalaman at bagay-bagay na ngayon lang natin natutunan . Parang na “ Shake it Off “ ang mga utak natin . Utak na tuwang-tuwang dahil sa nagkaroon na siya ng napakaraming kaalaman .
              Pero ang tanong , sino ba talaga ang nagbibigay kaalaman sa atin araw-araw ? Walang iba kundi ang ating guro . Guro na walang sawang magturo . Kahit na nararamdaman na siya ay pagod . Dahil para sa kanya handa niyang tiisin ang pagod para sa kanyang mga estudyante . Isang guro na hindi lang pagtuturo ang kaya niyang gawin kundi kaya din niya ang magmahal . Ang mahalin ang kanyang mga estudyante dahil para sa kanya ay naging parte na rin kami sa buhay niya . Isang guro na marunong tumawa at magpatawa . Kung masyado na kasing tahimik ang klase ay magbibitiw siya ng mga nakakatawang biro . Na ikasisiya naman ng lahat .At isang guro na kayang ibahagi ang “ diary ng buhay niya “ . Ang kanyang pambihirang love story , kwento na tungkol sa kanyang pamilya at marami pang iba . Bagay na nakaka-relate kaming lahat sa loob ng klase . Hindi lang pala siya magaling magturo dahil isa rin pala siyang guro na magaling magpayo . Dahil minsan kasi may mga oras na may natatalakay kaming mga bagay-bagay na kami ay naguguluhan . At bibigyan naman kami ng aming guro ng alternatibong payo para dito .

             Ngunit sino ba ang tinutukoy kong guro ? Walang iba kundi ang Department Chairman sa Filipino . Ang aming masiyahing guro sa Filipino . Nung unang pasukan , nalaman ko na si ma’am pala ang department chairman sa asignaturang Filipino . Kaya’t nakaramdam ako ng konting takot at kaba sa kanya . Mukha kasi siyang masungit noon at parang ang tono ng kanyang pagsasalita ay parang nagbibigay babala sa iyo . Ngunit ang lahat ng paniniwala ko tungkol sa kanya ay biglang nagbago . Lumipas kasi ang ilang buwan , at doon ko na nakita ang totoong si ma’am . Si ma’am na masiyahin at mabait sa kanyang mga estudyante . Isang guro na may tinatago palang kabutihan sa kanyang puso at ito ay akin ng nakita .

Linggo, Marso 15, 2015

Pangkatang Gawain

Ang aming Pangkatang Gawain

-    Gumawa ng isang awit .


Takdang-Aralin

Takdang Aralin :

    - Gumawa ng isang maikling kwento

Pahina 1



 Pahina 2

Pahina 3

Pahina 4

Repleksyon # 7

Repleksyon ko ngayong linggong ito :
                               Ngayong linggong ito , umikot ang aming talakayan sa mga kabanatang may kaugnayan kay Maria Clara . Nung Martes inisa-isa naming tinalakay ang mga kabanatang may kaugnayan kay Maria Clara . Nung Miyerkules naman tinalakay namin ang mga katangian at ang mga ugaling taglay ni Maria Clara . Si Maria Clara bilang isang anak , mangingibig at bilang isang mamamayan ng bayan ng San Diego . At nung Huwebes naman ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain . Ang aming pangkatang gawain ay tungkol kay Maria Clara . Halos lahat ng pangkat ay isinadula ang mga inatas sa kanilang gawain . At nung Biyernes naman ay nagkaroon ulit kami ng pangkatang gawain .Ang aming pangkatang gawain ay pumapatungkol sa tunay na pag-ibig . Inatas sa pangkat isa na sila ay gagawa ng poster , sa pangkat dalawa naman ay kailangan nilang gumawa ng isang awit , sa pangkat tatlo ay isang tula . At ang pinakahuli naman ay ang pangkat apat na dapat gumawa ng isang slogan .
               Ngayong linggong ito , ay marami kaming natutunan tungkol kay Maria Clara . Sa susunod na linggo naman ay amin ng tatalakayin ang mga kabanatang may kaugnayan kay Sisa .

Sabado, Marso 7, 2015

Repleksyon # 6

Repleksyon ko ngayong linggong ito :
      Ngayong linggong ito , umikot ang aming talakayan sa mga kabanatang may kaugnayan kay Maria Clara at Sisa . Inisa-isa namin ang mga kabanatang may kaugnayan sa kanila . Matapos ang talakayan ay nag-iwan sa amin si ma’am Mixto ng mga tanong tungkol kay Maria Clara at Sisa . Mga tanong na kung si Maria Clara ba ay sumisimbolo bilang isang dalagang pilipina gayong siya ay sinasabi na isa siyang mahinang babae . At ang tanong naman para kay Sisa kung siya ba ay naging isang ulirang ina at asawa sa kanyang pamilya .

       Dahil sa naubos na ang oras ang katanungang ito ay nagsilbi na aming takdang-aralin .