Biyernes, Enero 30, 2015

Repleksyon # 2

Repleksyon ko para sa linggong ito :
                   Ngayong linggong ito , umikot ang aming talakayan sa nobelang " Noli Me Tangere " . Tinalakay namin ang mga tauhan sa nobela . At kung sino ang kumakatawan sa tauhan sa loob ng akda sa buhay ni Rizal . Halimbawa na lamang si Leonor Rivera , si Leonor ay isang dalagang pilipina na mahinhin at may taglay na ganda . Si Maria Clara at Leonor ay parehas sila ng mga katangian . At parehas din silang pinilit na magpakasal sa ibang lalaki . Maging si Crisostomo Ibarra at Rizal ay may pagkaka-parehas . Silang dalawa ay parehas ng mga mithiin . Mithiin na makalaya ang bayan mula sa pang-aapi ng mga prayle . Dahil katulad ni Rizal inapi ni Padre Amado ang pamilya niya at maging ang mga kababayan niyang magsasaka . Gaya ni Rizal inapi rin si Ibarra ni Padre Damaso sa pamamagitan ng paglalapastanganan sa kanyang ama , kahit na ito’y namatay na .
          Kung kaya’t ngayong linggong ito , puro mga tauhan an gaming tinalakay .

Huwebes, Enero 15, 2015

Para sa ikaapat na markahan :)

Repleksyon …
Sa ikaapat na markahan . Amin nang tatalakayin ang nobelang ginawa ni Jose Rizal . Ito ay ang Noli Me Tangere . Na ang ibig sabihinsa tagalog ay “ huwag mo akong salingin “ . Salitang kinuha ni Rizal sa ebanghelyo ni Juan 20: 13-17 .
   
Ang nobela ay tumatalakay sa mga kinagisnang kultura ng mga Pilpino . At maging ang kapangyarihang taglay ng Simbahang Katoliko noong mga panahong ito . Tinalakay din nito ang mga makapangyarihang mga lokal na alkalde .

Bakasyon ko nung Pasko :)

Repleksyon ko nung bakasyon ko nung Pasko …
      Nung araw na iyon nakaramdam ako ng saya , sayang  hindi ko maipaliwanag . Simula sa aking paggising , naghahanda na kami ng aking pamilya para sa pagsisimba . Sabay-sabay kaming nagtungo sa simbahan . At sabay kaming nagdasal . At sa aking pagdadasal , binati ko sa Jesus sa kanyang kaarawan . Matapos ang misa . Sinamahan ko ang aking kapatid sa kanyang pamamasko sa kanyang mga ninong at ninang . Ilang oras ang lumipas , na dumating na ang buwan . Abala kaming lahat  sa pagluluto ng aming magiging noche buena . Ang lahat ay abala at kaliwa’t kanan ang mga batang namamasko sa mga bahay-bahay . Nang sumapit na nag alas-dose ng gabi . Sabay-sabay naming ipinagdiriwang ang pasko . Kasama ko ang pamilya at ilang kamag-anak sa pagdiriwang nito . Matapos ang kasiyahan , sabay-sabay kaming  kumuha ng litrato .




     


     Kasama ang aking pamilya at ibang mga kamag-anak . Ganito namin ipinagdiriwang ang aming pasko . 

Biyernes, Enero 9, 2015

Repleksyon sa Filipino ...

              Ngayong liggong ito , tinalakay namin ang Sanaysay at ang mga elemento nito . Nasa ibaba ang kahulugan ng sanaysay at ang mga elemento nito .
Sanaysay
       Ang sanaysay ay mula sa pariralang salaysay ng isang sanay . Ito ay ayon kay Alejandro Abadilla . Napakaloob sa sanaysay ang kuro-kuro , damdamin at guni-guni ng manunulat tungkol sa isang napapanahong isyu . At sa pagbuo o paggawa ng isang sanaysay dapat maypamaksang pangungusap at may pantulong na pangungusap . Upang maging maliwanag at maayos ang iyong sanaysay . Narito ang tatlong elemento ng sanaysay :
Elemento ng sanaysay
1.) PAKSA -  May nilalayon at sentro ng ideya ng buong akda.Nakapaloob din ang saloobin ng may akda sa paksa.
2.) TONO -  Maaring ang himig ay natutuwa,nasisiyahan,nagagalit,sarkastiko,naiinis,nahihiya at iba pa.
3.) KAISIPAN -  Kailangan may mensaheng ipaparating sa mga mambabasa.Ang kaisipan ng akda ay hindi tuwirang binabanggitkundi ginagamitan ng pahiwatig para mailahad ito.