Linggo, Marso 15, 2015

Repleksyon # 7

Repleksyon ko ngayong linggong ito :
                               Ngayong linggong ito , umikot ang aming talakayan sa mga kabanatang may kaugnayan kay Maria Clara . Nung Martes inisa-isa naming tinalakay ang mga kabanatang may kaugnayan kay Maria Clara . Nung Miyerkules naman tinalakay namin ang mga katangian at ang mga ugaling taglay ni Maria Clara . Si Maria Clara bilang isang anak , mangingibig at bilang isang mamamayan ng bayan ng San Diego . At nung Huwebes naman ay nagkaroon kami ng pangkatang gawain . Ang aming pangkatang gawain ay tungkol kay Maria Clara . Halos lahat ng pangkat ay isinadula ang mga inatas sa kanilang gawain . At nung Biyernes naman ay nagkaroon ulit kami ng pangkatang gawain .Ang aming pangkatang gawain ay pumapatungkol sa tunay na pag-ibig . Inatas sa pangkat isa na sila ay gagawa ng poster , sa pangkat dalawa naman ay kailangan nilang gumawa ng isang awit , sa pangkat tatlo ay isang tula . At ang pinakahuli naman ay ang pangkat apat na dapat gumawa ng isang slogan .
               Ngayong linggong ito , ay marami kaming natutunan tungkol kay Maria Clara . Sa susunod na linggo naman ay amin ng tatalakayin ang mga kabanatang may kaugnayan kay Sisa .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento