Sabado, Marso 7, 2015

Repleksyon # 6

Repleksyon ko ngayong linggong ito :
      Ngayong linggong ito , umikot ang aming talakayan sa mga kabanatang may kaugnayan kay Maria Clara at Sisa . Inisa-isa namin ang mga kabanatang may kaugnayan sa kanila . Matapos ang talakayan ay nag-iwan sa amin si ma’am Mixto ng mga tanong tungkol kay Maria Clara at Sisa . Mga tanong na kung si Maria Clara ba ay sumisimbolo bilang isang dalagang pilipina gayong siya ay sinasabi na isa siyang mahinang babae . At ang tanong naman para kay Sisa kung siya ba ay naging isang ulirang ina at asawa sa kanyang pamilya .

       Dahil sa naubos na ang oras ang katanungang ito ay nagsilbi na aming takdang-aralin .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento