Sabado, Pebrero 14, 2015

Repleksyon #4

Repleksyon ko ngayong linggo :           
          Ngayong linggong ito , inatasan ang bawat grupo na iulat ang ilang kabanata sa nobelang “ Noli Me Tangere “ . At ang bawat grupo ay naatasan ng pito hanggang walong kabanata . At dapat nila itong iulat sa masining na paraan . Depende kung paano nila ito iuulat . Nung Martes ang pangkat isa ang unang nag-ulat . At nung Miyerkules naman  ang pangkat dalawa ang sumunod na nag-ulat . At sumunod na nag-ulat ang pangkat tatlo at apat sa mga sumunod na araw .
                Matapos mag-ulat ang bawat pangkat . Binigyan kami ng aming guro ng takdang-aralin . Dapat naming itala ang mga mahahalagang pangyayari sa bawat kabanata at bakit iyon naging mahalaga . Natapos ang linggong ito sa pag-uulat ng bawat pangkat .

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento