Biyernes, Pebrero 6, 2015

Repleksyon # 3

Repleksyon ko para sa linggong ito :      
                Ngayong linggong ito , tinalakay ulit namin ang mga tauhan sa loob ng nobelang “ Noli Me Tangere “ . Ngunit tinalakay namin ito sa paraang tinatawag na “ Parade of Characters “  . Na kung saan ang bawat grupo ay naatasang sila’y gumanap ng kahit sinong tauhan sa akda . At kinakailangan na ang mga miyembrong gaganap ay dapat na ipaliwag ang katangian ng karakter na kanilang ginagaya .
               At bago matapos ang linggong ito , amin nang tatalakayin ang bawat kabanata sa nobela . Mga kabanatang may kaugnayan sa buhay ni Crisostomo Ibarra . Ang bawat grupo ay naatasan na ipaliwanag ang mga kabanatang ibinigay sa kanila . At kinakailangan nilang isalaysay ang mga mahahalagang pangyayari sa loob ng akda . Ngayong araw na ito , tapos na ang pangkat isa sa pag-uulat . At sa Martes ay ang pangkat dalawa na ang susunod na mag-uulat . 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento