“ Pagbibigay Kapangyarihan sa Kababaihang Pilipino sa
Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian “
Babae, pasakop kayo sa inyong asawa,” isang pahayag na hinango
sa Banal na Aklat at naging panuntunan ng balana rito sa daigdig sa lahat ng
panahon. Lahat ng bagay ay nagbabago kaya nga walang permanente sa mundo. Ang
dating kiming tagasunod lamang ay natutong tumutol laban sa karahasan sapagkat
hindi na matanggap ang dinaranas na kaapihan. Kaniyang ipinaglaban ang
sariling karapatan upang makapagpasiya sa sarili. Lakas-loob din niyang
hiningi ang karapatang maisatinig ang matagal nang nahimbing na pagnanasang
maging katuwang hindi lamang sa tahanan kundi maging sa paghubog ng lipunan
para sa isang maunlad, matahimik at kaaya-ayang kinabukasan. Sa ngayon, ang
kababaihan ay unti-unting na ring napahalagahan. Hindi man ito
maituturing na ganap dahil sa patuloy na mga karahasang pantahanan na pawang
mga kababaihan ang nagiging biktima. Ang sexual harassment na madalas ay daing
ng mga kababaihan ay nagdaragdag sa mga suliraning pambansa. Ang babae ay
katuwang sa pamumuhay. Hindi sila katulong na tagasunod sa lahat ng mga
ipinag-uutos ng ilang nag-aastang “Panginoon”. Sila’y karamay sa
suliranin at kaagapay sa mga pangyayaring nagdudulot ng pait sa bawat miyembro
ng pamilya. Tunay na ang mga kababaihan ay hindi lamang kasama kundi kabahagi
sa pagpapaunlad ng bayan sa lahat ng panahon. Marami na ring samahan ang
itinatag upang mangalaga at magbigay- proteksiyon sa mga kababaihan. Ilan
sa mga ito ay Gabriela, Tigil-Bugbog Hotline at marami pang iba. Patuloy
ang mga samahang ito sa pakikibaka upang sugpuin ang patuloy na diskriminasyon
sa pagitan ng kalalakihan at kababaihan. Layunin nilang mabigyan ng
edukasyon at kamulatan sa mga karapatang dapat ipakipaglaban ng mga
kababaihan.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento