Lunes, Setyembre 29, 2014

Handog para sa aking paboritong guro ! :)

Ang Paborito Kong Guro ! J
         Guro , Guro , Guro ! Isa sila sa mga taong napakahalaga sa ating buhay . Silang mga guro ay may tungkuling magbigay karunungan sa kani-kanilang mga estudyante . Kung wala ang ating mga guro hindi tayo magkakaroon ng kaalaman sa bawat asignatura at hindi rin tayo makakakuha ng mga magagandang aral mula sa kanila .
       Bawat isa sa ating mga estudyante ay dumadaan sa hakbang ng ating pag-aaral . Una muna ay dadaan tayo sa pagiging isang mag-aaral mula sa KINDER , sumunod naman ay sa ELEMENTARYA , at ang sumunod naman ay ang HIGHSCHOOL , at ang pinaka-huli ay ang KOLEHIYO . Kung iisipin maraming bagong guro ang darating sa ating buhay sa bawat hakbang na ito . Ngunit sa dinami –dami  ng mga gurong ito ay mayroon lamang tayo na iisang paboritong guro .
             Sa paaralan , mayroon tayong walong asignatura , kung kaya mayroon din tayong walong guro .Sa walong guro na iyon ay mayroon lamang na namumukod-tangi o nag-iisang guro na ating paborito . Isa sa paborito kong guro ay si  Sir.Timbal  na nagtuturo ngayon ng agham sa baitang walo . Noong nasa ikawalong baitang pa ako , naging guro ko siya sa agham . Nung unang pasukan aaminin ko isa siya sa mga kinatatakutan kong guro . Dahil siguro sa pagiging strikto niya sa ibang estudyante sa aming paaralan . Pero nung naging guro ko siya at tumagal ang maraming araw , nalaman ko na mali pala ang pagkaka-kilala ko sa kanya . Ang kinatatakutan kong guro noon , ay mayroon palang tinatagong pagmamahal sa kanyang mga estudyante at pagmamalasakit sa mga ito . Kahit medyo strikto sa amin minsan si sir o di kaya pinapagalitan niya kami ay hindi kami nagtanim ng masa-samang loob sa aming mga puso . Dahil sa bawat araw na pinapagalitan niya kami ay nakakakuha kami ng magagandang – aral mula sa kaniya na hanggang ngayon ay patuloy pa rin naming inaalala .
           Ngayong nasa ika-siyam na baitang na ako . Patuloy ko pa rin hinahangaan si Sir.Timbal , dahil sa galing ng kanyang pagtuturo sa agham at maging sa patuloy niyang pagmamahal sa kaniyang mga estudyate . Aaminin ko ilang araw na akong hindi nakakabisita sa kanya , dahil kasi sa maraming ginagawa ang Antimony ngaun . Pero kahit na ganoon ay nagpapasalamat pa rin ako sa kanya , dahil sa mga magagandang aral na nakuha namin , at nagpapasalamat din ako sa kanya para pagiging mapagmaal niyang guro . Ito lang po Sir ang masasabi ko “ HAPPY TEACHER’S DAY ! “po . At maraming salamat muli J .

2 komento: