Miyerkules, Agosto 6, 2014

Tula ko para sa aking kaibigan

Ang Maituturi Kong Isang Tunay Na Kaibigan
Tula ni Nica Estallo

Sa mundo na ating ginagalawan
Bawat tao ay dapat lampasan
Mga problemang walang tigil sa pagdaan
Ang tanong , atin ba itong makakayanan ?

Para sa akin hindi kakayanin !
Kaibigan , kaibigan ang tutulong sa akin
Bawat pagsubok ay lalampasan namin
At mga pangarap na sabay naming aabutin

Kung minsan kawalan ng pag-asa ay nararamdaman mo
Wag ka mag-alala may kaibigang tutulong sayo
Yun bang aasahan mo sa mga problemang darating sayo
Hindi ka iiwanan sa ere kahit gumuho man ang mundo

Phards , Bhest , BFF o anumang katawagan
C.S. daw nila ito kung minsan
Pero para sa akin di nasusukat dito ang pagkakaibigan
Dahil nasusukat ito sa tatag ninyong dalawang magkaibigan

Sa totoo lang ang tunay na kaibigan ay mahirap hanapin
Siya yung tipong mahirap hagilapin
Pero kung siya ay nahanap ko na din
Sino ako para pumili pa ng iba pa mandin

Sa tagal ng aking paghihintay
May dumating na isang kaibigang tunay
Kaklase ko pala siya , at wala akong kamalay-malay
Siya na pala ay isa kong matalik na kaibigan

Kung sasabihin ko sa inyo ang kanyang pangalan
Si Darren Orcullo lang naman ang binabanggit ko sa tulang yan
Hindi siya mawawala sa aking isipan
Dahil sa mga naging kaibigan ko hindi niya ko kinalimutan

Si Darren ay kaibigan maasahan
Na sa bawat problema’y hindi ka iiwanan
Yung tipong sabay niyong lalampasan
Ang mga pagsubok na dumadaan

Hindi perpekto ang aming pagkakaibigan
Dahil minsan nagkakaroon kami ng tampuhan
Sa pakikipag-kaibigan ay natural yan
Bagkus lalo pa itong tumatag ng lubusan

Kug may sasabihin man ako sayo , sana’y makinig ka
“ Phards , kung hindi man ako nakarating sa ;
Iyong kaarawan humihingi ako ng pasensya
Dahil hindi ako nakarating sa araw na para sa iyo ay napakahalaga “

Bilang pag-bawi sa aking nagawa
Hinandugan kita ng isang magandang tula
Na sana’y saya ang iyong madama
Kung sakaling sa facebook ay nakita mo na

Muli maligayang kaarawan sa iyo kaibigan
Kahit nakalipas na ang dalawang buwan
Sana’y tula ko’y pahalagahan
Si Darren Orcullo ay aking maituturing isang tunay na kaibigan !

1 komento: